Ang Kodigo Sibil ng Pilipinas

Ang Kodigo Sibil ng Pilipinas ay nababahagi sa apat na aklat. Ang unang aklat na nahihinggil sa mga persona, ang ikalawa na natutungkol sa mga ari-arian, pagmamay-ari at ang pagbabagong-anyo nito, ang ikatlo na natutungod sa iba’t-ibang pamamaraan sa pagkakamit ng ari-arian at ang ikaapat na nahihinggil sa mga tungkulin at kasunduan. Natitipon sa Kodigong ito ang dalawang libo dalawang daan at pitumpung artikulo, na pawang mga panuntunan hinggil sa makataong pag-uugnayan; mga karapatan at tungkulin ng bawa’t tao sa kanyang kapwa, ang pag aasawa, pag-uugnayan ng mag-asawa sa kanilang pagsasama hinggil sa kanilang ari-arian, sa mga anak at sa mga taong pangatlo; mga iba’t ibang kakayahan sa ilalim ng batas, at iba pa.

Pinagtibay  ng ating Pambansang Batasang Kapulungan ang panukalang batas bilang 386 noong Hunyo 18, 1949 at nagkabisa at nagkasaysay ito matapos ipalathala sa Gaseta Opisyal noong Agosto 30, 1950. Simula noon ang Kodigong ito ang siya nang umiral at namahala sa atin at hindi na ang Kodigo Sibil ng Espanya na pinagtibay na pairalin dito sa atin noong Disyembre 8, 1889. Ang huli ay siyang naging batayan at pinaghanguan ng mga maiinam at makabuluhang mga aralin at alituntunin na pawang naging pamarisan sa kasalukuyang Kodigo. Kaipala, hindi natin matatalikuran ang kalinangang natitipon sa Kodigo Sibil ng Espanya na binubuo ng daan daang  taong karanasan ng Espanya at ng ibang mga bansa sa kanluran tungod sa batas-pangmamamayan.

Ang mga alintuntuning mababasa sa Kodigo Sibil ay hindi kathang-isip ng tao kundi hinango sa batas ng kalikasan. Samakatwid, walang makapagsasabi ni  makapag-aangkin na siya ang may katha ng Kodigo Sibil.

Ito ang batas na pangkalahatan na siyang uliran at pamarisan ng mga tanging batas na sa tuwi-tuwina ay pinagpapasiyahang pairalin ng sambayanan ng mga batasan o sanggunian ng lungsod, bayan o nayon. Walang panulakang batas ni kautusang mapagtitibay na maaaring tumaliwas sa ipinag-uutos ng Kodigo Sibil. Ang kodigong ito ang saligan ng mga batas-pangmamamayan, na sa tuwi-tuwina ay ginaganit sa pag uuganayan ng mga taong-bayan hinggil sa kanilang ari-arian, mga akta at gawain, pagbabagong anyo ng kani-kanilang tungkulin at karapatan, alinsunod sa iba’t ibang kalagayan ng tao  maging sa pangkasunduan o sa makataong pag-uugnayan.

Nakalathala on Oktubre 15, 2009 at 1:28 hapon  Mag-iwan ng Puna  

The URI to TrackBack this entry is: http://judgecperalejosr.wordpress.com/ang-kodigo-sibil-ng-pilipinas/trackback/

RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: